Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Paul Salas wawasakin sina Mikee-Kelvin

0 131

Isang best friend na may lihim na pagtingin kay Mikee Quintos ang role ni Paul Salas sa nalalapit na GMA Public Affairs fantasy-romance series na ‘The Lost Recipe.’

Huli na raw na mare-realize ng karakter ni Paul na si Frank Vergara na gusto na pala niya si Apple (Mikee) at may kakompetensiya na siya sa katauhan ni Chef Harvey (Kelvin Miranda).

“Kasangga ko po si Apple. Kasi ako ay dating nabu-bully so siya lang talaga ang naging kaibigan ko sa paglaki namin, hanggang sa nag-trabaho na kami together. Hanggang sa mare-realize niya na may kalaban na pala siya, si Harvey nga. Doon niya lang mare-realize na may pagtingin na pala siya kay Apple dati pa,” kuwento ni Paul.

Sino kaya ang magwawagi sa puso ni Apple? Mukhang mainit ang magiging paghaharap ng ‘Team Frank’ at ‘Team Harvey’! (Dondon Sermino)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.