Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Paul, Phoenix tinadtad Denver

0 11

MULING pinulbos ng Phoenix Suns ang Denver Nuggets 123-98 para ekisan ang 2-0 lead sa Western Conference semifinal series Miyerkoles ng gabi.

Balanse ang produksiyon ng starters ng Suns na lahat umiskor ng 11 pataas.

May double-double sina Chris Paul (17 points, 15 assits), Devin Booker (18 points, 10 rebounds), at Deandre Ayton (15 markers, 10 boards).

Related Posts

Zero turnover si Paul sa loob ng 31 minutes.

Isang araw matapos itanghal na kauna-unahang MVP mula Nuggets, naglista si Nikola Jokic ng 24 points, 13 rebounds at 6 assists pero hindi naibuhol ang serye.

Uuwi ng Denver ang Nuggets para subukang kubrahin din sa sariling teritoryo ang dalawang susunod na laro una ang Game 3 sa Sabado (araw sa Manila).

Abante ng 10 ang Phoenix sa halftime, bumuka ang lead sa 60-43 sa dalawang tres ni Jae Crowder sa bukana ng third quarter bago dumistansiya ng hanggang 31 sa fourth. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.