Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Paul, Phoenix inutas Dallas

0 178

NAG-TAKE charge sa dulo si Chris Paul para tapusin ang inumpisahan ni Devin Booker na nag-resulta sa 109-101 panalo ng Phoenix laban sa dinayong Dallas Mavericks Huwebes ng gabi.

Na-outscore ng Suns ang Mavs 35-19 sa fourth quarter nang ilista ni Paul ang 10 points sa kanyang 20. Tumapos si Booker ng 28 points at winalis ng NBA-best Phoenix (35-9) ang five-game road trip.

May sahog pang 12 assists si Paul at zero turnovers sa loob ng 37 minutes. Hawak ni CP3 ang NBA-best 49 career games na double digit assists na walang errors.

“Chris knows when to go,” bulalas ni Dallas coach Jason Kidd. “He showed that again in the fourth quarter.”

Naputol ang four-game winning streak ng Mavericks (26-20) sa kabila ng 28 points, 8 rebounds at 8 assists ni Luka Doncic at 18 markers, 11 boards ni Kristaps Porzingis.

Huling nagbuhol sa 99 bago nilista ng Suns ang sumunod na 8 points ng laro, clincher 3 ni Paul tungo sa 107-99, 19 seconds na lang.

Nasa bench si Doncic sa final seconds matapos bumagsak at nanakit ang leeg. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.