Una sa Balita

BasketBrawl nakatatak na sa Gilas – Serbia

0 499

May phobia pa rin marahil sa Gilas Pilipinas ang Europeans tapos nang nakakadismayang rambol sa International Basketball Federation (FIBA) qualification game kontra Australia Boomers nitong Hulyo 2, 2018 sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

Tila nakakabit pa sa mga Pilipino ang basketball brawl na iyon na kinatampukan ng 10 players suspension ng 5-6 games at multi-milyong fines kung saan wagi ang Boomers, 89-53.

Isa sa apektado pa rin o may takot sa PH quintet ang Orlovi Serbia na maski pinaliguan na nga ang Gilas 126-67 nitong Lunes ng gabi sa 18th FIBA World Cup 2019 sa Foshan Foshan International Sports & Cultural Arena sa Foshan City, Guangdong Province, China, nagpahayag pa ng takot ang coach nito.

Tingin ni Sasha Djordjevic sinasadyang manakit ni Gilas point guard Paul John Dalistan Lee sa game.

“I don’t like dirty plays, and I don’t like when you seem to have an intention to hurt a player,” giit ni Djordjevic ukol sa hard foul ng Pinoy guard sa kanyang player sa natitirang huling pitong minuto ng laro kung saan ay milya-milya na ang agwat ng Serbia.

“You have to stop that, you have to play fair,” sundot pa nito.

Pero kinontra ito ni Gilas coach Yeng Guiao at pinagtanggol ang ‘Angas ng Tondo’.

“It was a bump,” giit naman ni Guiao sa paratang na binabato ng 52-anyos na coach. “I guess if you really wanted to hurt somebody, that’s not the only thing you can do.” (Aivan Denzel U. Episcope)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More