Una sa Balita

Paul itatapon din ng Thunder

0 346

HINDI pa man nakaka­lipas ang isang araw matapos ma-trade si Chris Paul sa Oklahoma City Thunder kapalit si Russell Westbrook, na napunta ngayon sa Houston Rockets, ngumangawa na agad ito para malipat sa ibang koponan.

Ayon kay Adrian Wojnarowski ng ESPN, una pa lang ay hindi na komportable si Paul sa Thunder, sinubukan ng Houston na maghanap ng third team sa trade para sa iba mapunta si Paul ngunit bigo.

Samantala, gusto sana ng Thunder na maging starting point guard nila si Paul sa parating na season, ngunit kilala ang koponan na hindi pinipilit paglaruin ang isang star player kung ayaw nito sa kanila, patunay sa Paul George trade.

Ngunit hindi malaki ang market para makahanap ng sunod na destinasyon ng nine-time All-Star, kung sinuman ang tataya sa 34-year-old veteran guard ay kailangang saluhin ang natitira pang 3-year, $124.1M sa kanyang kontrata.

Ngunit tila hindi alintana ng Miami Heat ang milyones na payroll para masungkit si CP3 at makatambal ang bago ring kuhang star player na si Jimmy Butler.

“The market for Chris Paul is going to be small, but Miami’s at the top of that list,” pakli ni Wojnarowski. “They’d like to try to get that deal done as soon as they can. I was told there are some other teams too that are going to be discussed.” (Ray Mark Patriarca)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy