Una sa Balita

Paul galit sa reporter na nang-intriga kay Barbie

By
0 2,510

Pinalagan ng young actor na si Paul Salas ang tanong sa rumored girlfriend niyang si Barbie Imperial sa intrigang hindi raw boto ang kanyang pamilya sa young actress.

Lumabas ang sagot ni Barbie sa isang online site. May screen grab ang sagot na ‘yon ni Barbie na inilabas ni Paul sa kanyang Twitter. Galit si Paul sa reporter na nagtanong.

Tweet ng young actor, “Sinong reporter nagtanong kay Barbie ng ganito? Sa totoo lang kung sino ka man panira ka. Okay na okay ang parents ko kay Barbie so kung sino man mga nagtatanong ng mga questions na ganyan please shut the fuck up good night.”

Aba, matapang!

Joanna Ampil inaway ang ex-manager

Inaaway raw ngayon ng Broadway sensation na si Joanna Ampil ang dating manager at isa sa executive producers ng pelikulang Ang Larawan, si Girlie Rodis. Ito ang text sa amin ni GR (tawag kay Girlie) habang nasa Udine, Italy kung saan may screening ang musical film.

Nag-react si Joanna sa sinabi ni GR na ‘sinulot’ siya sa kanya ng ibang artist manager kaya wala na ito sa poder niya. Ayon sa text sa amin Joanna, naging amicable naman ang hiwalayan nila ni Girlie.

Feeling ni GR, “Syempre, nagsumbong ‘yon ok lang inaaway nga ako ni Jo kawawa naman daw haha!” Ito ang text ni Girlie sa amin.

Hindi kasama si Joanna sa entourage ng pelikula sa festival dahil kasalukuyang nasa China siya para sa musical tour ng Cats. Ang co-star niyang si Rachel Alejandro ang siyang pinagkaguluhan ng mga attendee sa festival.