Una sa Balita

Paul ayaw nang patulan ang patutsada ni Barbie

0 690

Ayaw nang patulan pa ng kampo nin Paul Salas ang binitawang pahayag ni Barbie Imperial patungkol sa tao na kanyang pinapatawad at hinihi­ling din na makapag-move on na.

Sa naging panayam sa batang aktres sa programa ni Kuya Boy Abunda nung nakaraang gabi (kasama si JM de Guzman), naging topic nila ang usaping puso ng dalaga na kamakailan nga ay ibinuking ni Meg Imperial na mukhang si JM na raw ang may hawak.

Sey ni Barbie, “Ok na po. Masaya at malusog. Naka-move on na,” sabay hirit na “Masaya na ako. Sana ikaw rin. Napatawad na kita,” patungkol sa dati niyang nakarelasyon.

Although hindi niya ito pinangalanan, marami ang nag-assume na si Paul Salas ang pinatutungkulan ng mensahe ni Barbie hinggil sa pag-move on niya at pagkakaroon ng okey na lagay ng puso.

Kaya agad naming kinunan ng reaksyon ang kampo ng aktor at ito ang kanilang sagot, “Hayaan na natin. Kung si Paul man o iba ‘yung tinutukoy niya, at least ok na siya. Dahil kami, okey na okey kami matagal na.”

Aguyyy!

Ken Chan hirap sa ‘Tatay’

Well, kung lalim din lang ng acting ang usapan, iyan ang gustong tiyakin na ibibigay ni Ken Chan sa bagong starring role project niyang My Special Tatay sa GMA 7.

Soon to air in the afternoon timeslot, ipinangako ng magaling na aktor na hihigitan niya ang nagawa nya sa Destiny Rose kung saan lahat ay nakumbinsi niyang isa siyang maganda at mahusay na babae.

“This is so far the most challenging and probably the most difficult role na naibigay sa akin. Bilang isang taong may mild autism spectrum disorder at mild intellectual disability, tapos may anak sa istorya, definitely excites me more. Ang dami-dami ko pong binasa at pinanood na mga reference materials on such pero siyempre iba na pag ikaw na ang gagawa under some directions. Pagsisikapan ko pong itawid iyan ng maayos,” sey pa ni Ken.

Inihahandog din niya ang naturang project sa kanyang ama na nagda-dialysis dahil sa kanser dahil aniya, “ito ‘yung time na ma-feel ng isang anak ang halaga ng isang ama. This is indeed my most special project to date.”

Ngayong Sept. 3 na magsisimula ang My Special Tatay sa GMA 7 dramarama sa hapon.