Patung-patong na kaso vs ‘killer bus’

By

CABANATUAN CITY — Patung patong na kasong sibil at admi­nistratibo ang inihahanda kontra sa operator ng naaksidenteng Leomarick passenger bus noong Martes ng umaga sa Sitio Nursery, Brgy. Capintalan, Carranglan, Nueva Ecija.

Nabatid ng Abante kay P/Sr. Supt. Antonio Yarra, Nueva Ecija police director, na ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang maghahain ng administrative cases kontra sa bus operator na si Leonardo S. Patulot ng Tabora St. Consolacion, Brgy. Poblacion Agoo, La Union.

“ Kami (PNP) naman ang tutulong sa bawa’t biktima na maghain ng civil case na aalalayan ng mga abogado ng PAO ( Public Attorneys Office), paliwanag ni Yarra.

Nananatili umano sa 34 ang opisyal na bilang ng mga nasawi at 43 ang bilang ng mga sugatan na na-confine sa mga pagamutan at may isang out-patient na nagtamo lang ng minor bruises.

SHARE