Una sa Balita

Patuloy sa paghingi ng donasyon: Angel Locsin kapos na sa budget para sa 28 ospital

0 778

Nakaposte sa Instagram ng Kapamilya actress ang listahan ng mga ospital na nanawagan ng extension facility sa tabi ng mga ito. Mahigit sa tatlong milyong piso (P3M) ang nakalap na donasyon ng aktres.

Apat na ospital na ang napatayuan ni Angel ng isolation tent na umabot lahat sa P400K.

Kukulangin ang P3M sa 28 ospital sa Metro Manila, pati na sa Cavite, na pagtatayuan ng tent. Kaya naman humihingi pa ng panawagang dagdag donasyon ang aktres para mapagserbisyuhan ang lahat na mga bilang ng ospital.

Noong una, para lang sana sa mga medical frontliners ang itatayong tent na gagawing pahingahan, lalo na sa mga hindi na nakakauwi sa kani-kanilang mga pamilya.

Pero dahil sa lumolobong bilang ng virus infected, minabuting isama na rin ang facility para sa mga hindi na tinatanggap ng mga ospital.

Malayo-layo pa ang lalakbayin ng laban ni Angel sa COVID-19.

KC Concepcion binalikan ang buhay sa France

Binalikan ni KC Concepcion ang sistema ng buhay niya noong nasa France siya at nag-aaral.

Nagposte si KC ng kanyang video sa Instagram habang naghuhuhas ng plato. Nasa isang frame ang dalawang babae na manghang-manghang nakatingin sa kanyang ginagawa.

Ayon kay KC tatlong linggo na siyang naghuhugas ng pinggan at nagluluto ng sarili nyang pagkain. Pinauwi ni KC ang kanyang mga staff para sa enhance community quarantine kaya solo ito sa kanyang tinitirahan.

Hindi naman nagrireklamo ang dalaga sa buhay niya ngayon. Mas ligtas siya at nakakatulong pa sa mga medical frontliners kung mananatili siya sa loob ng bahay.

Christian Bables humingi ng tulong para sa mga gutom na mangingisda

Sa Cardona Rizal ang sentro ng panawagang donasyon ng award winning actor na si Christian Bables. Nakaposte sa Instagram ni Christian ang paghingi nito ng tulong sa kanyang mga supporter upang masagip sa gutom ang pamilya ng mga mangingisda ng Cardona.

Ayon kay Christian, mula nang mag-lockdown at kumonti na ang mga mamimili sa palengke, hindi na nakapangisda pa ang mga taga-Cardona. Isang araw na lang kung kumain ang mga ito.

Pagkain at iba pang pangangailangan ang ninanais ni Christian at ng team na kinabibilangan nito para sa mga mangingisda.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More