Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Patuloy na tiwala ng mga Pilipino sa lideratong Duterte

0 24

Talagang election season is on. Ilang buwan nalang ay maghahain na ng kanya kanyang Certificate of Candidacy ang mga nagbabalak na tumakbo para sa national at local elections sa Mayo 2022, kung saan dedesisyunan ng bayan kung sino ang mamamalakad sa bansa bilang presidente at bise presidente sa loob ng susunod na anim na taon o hanggang 2028. Sa season na ito, alam nating hindi maiiwasan na nandyan na rin ang mga batuhan ng iba’t ibang isyu sa mga posibleng kandidato, at sigurado akong naririnig natin ito sa balita halos araw-araw.

Ganun pa man, isang bagay ang hindi maipagkakaila. Talagang nananatiling
napakataas ng tiwala ng ating mga kababayan sa pamumuno ni Pangulong Rodrigo Duterte sampu ng kanyang mga kaalyado. Sa nakalipas na mahigit limang taon, at ngayon na patapos na rin ang termino ng Pangulo, patuloy na mataas ang satisfaction rating na ibinibigay ng ating mga kababayan sa kanyang matapang at tapat liderato.

Sa mga isinagawang survey para sa darating na eleksyon, nangunguna pa rin talaga ang mga Duterte sa ‘choices’ o ‘preference’ ng mga Pilipino para maging leaders ng ating bansa. Sa kalalabas lang na resulta ng pinakabagong Pulse Asia Survey na ginawa noon lamang nakaraang buwan, unang-una sa napipisil ng mga botanteng Pilipino sa pagka pangulo
ay ang presidential daughter at ating kaibigan na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio, katulad parin ng mga resulta ng iba pang mga naunang survey.

Maliban dito, unang-una naman sa nagugustuhang maging bise presidente ng ating mga kababayan si Tatay Digong, na lalong naging matunog ang pangalan para sa nasabing posisyon nang mismong mga ka-partido natin sa PDP-LABAN ang naghiyakat sa kanya na tumakbo upang maipagpatuloy pa ang maraming magagandang programa na bunga ng kanyang pamumuno.

Bakit nga ba ganoon ang naging resulta nitong mga survey? Malinaw naman kasi na buo ang loob ng mag-amang Duterte at kapwa sila may “strong political will” upang ipatupad ang iba’t-ibang programa upang mai-angat pang lubos ang estado ng pamumuhay ng bawat Pilipino.

Kung iisipin ay mabigat ang kinahaharap na hamon ng kasalukuyang administrasyon bunsod ng dagok sa ekonomiya na dulot ng Covid19 hindi lamang dito sa ating bansa ngunit maging sa buong mundo. Pero sa kabila
ng bigat ng problema, patuloy na pinamumunuan ni Pangulong Duterte ng
walang sawa ang bawat Pilipino at ibinibigay ang lahat ng suportang kayang ibigay ng ating gobyerno katulad ng ayuda, libreng swab test pati libreng bakuna.

*** *** ****

Dahil sa resulta ng mga nasabing survey lalo na itong huli, mistulang na alarma ang ilang kampo. Ito ay nagpaikot sa malilikot na isip ng iilan, dahil may posibilidad umano na ang posibleng pagtakbo ni Pangulong Duterte sa
pagka-bise ay maituturing na ‘backdoor’ entry to the presidency. May ganun? Sa oras daw kasing maupo sa poder ang mag-amang Duterte ay maaaring pababain ng ama ang anak upang siya muli ang maging pangulo
ng bansa. Sa ganitong paniniwala ay tila sigurado na sila na lulusot sa susunod na halalan ang Duterte-Duterte tandem. Ganun din pala sila katiwala sa ‘winnability’ at kakayahan ng mag-ama?

Kung sa bagay, hindi naman malayong mangyari ang ganoon dahil ‘consistent’ na napakataas ng tiwala ng buong bansa sa kanilang pagkatao at sistema ng pamumuno. At kung mangyari man ito, ako na ang magsasabi, maling mali ang kanilang iniisip na kayang-kaya ng isang VP Rody na basta na lamang paalisin ang isang President Sara sa pwesto upang manatili sa pagka-pangulo.

Sa mga nag sasabing basta na lamang susunod sa kahit anong utos ang presidential daughter, sigurado akong hindi nila lubos na kilala si Mayor Inday. Ako na ang nagsasabi sa lahat, hindi kailan man maaaring diktahan
o utusan ng kahit sino si Mayor Inday Sara lalo na sa mga usaping may kinalaman sa prinsipyo at paglilingkod sa kapwa. Ibahin nyo si Inday, she is her own woman, at handa na ang Pilipinas para sa kanyang pamumuno!

Leave A Reply

Your email address will not be published.