Una sa Balita

Patron ng mga nangingibang lupain

By ,
0 344

Kahapon, ipinagdiwang ng Simbahan ang Kapistahan (Nob. 13) ni Santa Francisca Javier Cabrini, ang binansagang ‘Patroness of Immigrants and Migrants.’ Si Mother Cabrini, foundress ng Missionary Sister of the Sacred Heart ang kauna-unahang American citizen na itinanghal bilang santa. 

Ipinanganak ang lubos na pinagpipitagang tagapagtatag sa Lombardy, Italy noong 1850 mula sa pamilya ng mga magsasaka. Isa siyang guro at nagturo muna sa loob ng anim na taon bago tuluyang pumasok sa kumbento. 

Sa utos ng kanyang obispo, ginugol ni Sor Francesca ang sarili sa pangangalaga ng mga bata. Ang matagal nang hangad niyang maging missionary ay natupad nang aprubahan ni Pope Leo XIII ang kanyang Congregation. 

Mula Italy, nagtu­ngo si Mother Cabrini kasama ang pioneers sa Estados Unidos noong 1889. Matapos lamang ang isang taon, nakapagtayo agad ang grupo ng isang orpha­nage at school. Na­ging ‘naturalised citizen’ ng U.S. si Mother noong 1909. 

Sa kabuuan ng kanyang pamamalakad, nakapagtatag si Mother Cabrini ng 67 charitable institutions sa U.S., Europa at South America. Ninais niyang pasukin ang Tsina ngunit sa giya ng Santo Papa nanatili ang pokus ng grupo sa Estados Unidos. 

Related Posts

Pumanaw ang masipag na madre sanhi ng sakit na malaria sa Chicago noong 1917 at agad itinanghal na santa noong June 7, 1946. Sinasabing walang pagod at matapang na tinawid ng 30 beses ng pinagpalang pintakasi ang dagat Atlantiko.

Sa simula’t simula pa, naging motto na nito ang mga kataga ni San Pablo, “I can do all things through Christ who strengthens me!” Sa lahat ng kanyang pinagdaanang mga hirap at pagsubok, kumapit si Sor Fran­cesca sa Diyos at na­ging inspirasyon para sa marami ‘di alintana ang mahinang kalusugan. 

Hanga ang Simbahan sa tatag na ipinamalas ng santa, “Even when all the doors remained closed, she would invariably find at least one window open.” Hangang nga­yon umaalingaw-ngaw pa rin ang kanyang favorite expression: “It is Jesus who is doing everything, not us!” 

Sa paggunita ng kapistahan ni Madre Cabrini, dalangin ng Simbahan na tularan ng mga Katoliko ang halimbawa ng santa sa kanyang malasakit sa mga banyaga, may sakit at dumaraan sa pagkasiphayo. Hamon daw sa lahat ang sigla, sikap, sigasig at sipag ng madasaling Pundadora. 

Ngayong Pista ng First American Saint, muling binabalikan ng Simbahan ang inspiring entry ni Saint Cabrini sa kanyang talaarawan: “O Jesus, I love you very much. Tell me what you wish me to do, and do with me as you will.” 
Kumbinsido ang Iglesia na relevant pa rin ang buhay at mensahe ni Mother Cabrini lalo na sa U.S. kung saan mistulang humihina na ang suporta sa mga mandarayuhan. Nanatiling huwaran daw ang ipinamalas na pagmamahal sa mga dukha, sawimpalad at maysakit ng santa hamon sa mga Kristiyano na mas maging aktibo sa mga gawaing pangkawanggawa.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy