Una sa Balita

Patrol woodpushers palaban

By
0 284

NAKATAKDANG isulong ang 1st Coach Idle Datu at Atty. CB Beltran Tatlohan Chess Team Tournament sa Pebrero 24 sa third floor ng Alphaland Southgate Mall sa Pasong Tamong, EDSA, Makati City.

Isa sa markadong kalahok ang Patrol Party List chess team na binubuo nina National­ Master Almario Marlon Bernardino Jr., Jose “Jojo” Aquino Jr. at Genghis Katipunan Imperial.

Ayon kahapon kay Interna­tional snooker/billiards champion Marlon “Marvelous Captain” Manalo, manager ng Patrol Party List, kumpiyansa siyang lalaban ng pukpukan ang kanyang mga player.

Nitong Enero 20, pinadapa ng Patrol Party List chess team ang Philippine Executive Chess Association (PECA), 2.5-0.5, sa final round para tumapos na ikawalo ng Hon. Alfredo “Fred” De Veyra III Cup Open Chess Team Tournament sa nabanggit ding lugar.

Nakataya ang P40,000 plus trophy sa magkakampeon sa pigaan ng utak habang may nakalaan din sa second hanggang fifth placers na cash prizes na P25,000, P15,000, P10,000 at P7,000, ayon sa pagkakasunod.

Samantala, tutumbok naman si Manalo sa 43rd US Open 9-Ball Championship sa Abril 21 hanggang 26 sa Mandalay Bay Resort and Casino sa Las Vegas, Nevada, USA.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy