Una sa Balita

Patrick Antonio, iba pa reresbak sa World Slasher Cup 2nd edition

0 602

KINAHIG nina Cris Copas ng Kentucky, USA at partner nitong si Claude Bautista ng CPB Group (Mindanao) ang solo championship sa World Slasher Cup first edition nakaraang Pebrero pero tiyak na mapapalaban sila ngayon sa second salvo.

May pagkakataong bumawi ang ibang champion breeders sa WSC-2 na bibitawan ngayong May 27 sa Araneta Coliseum.

Muling sasabak sina 7-time World Slasher Cup champion Patrick ‘Idol’ Antonio, ang solo winner sa first edition ng WSC 2018, at multiple title holders Frank Berin (2017 WSC 1 & 2 winner) at Rey Briones (2018 WSC 2 winner).

Bukod kina Antonio, Berin at Briones, pakay din na magdagdag ng korona si former WSC king Biboy Enriquez ng Firebird Gamefarm sa event na tinaguriang Olympics of Cockfighting.

Kasali rin ang mga dating kampeon na sina Nene Araneta, Peping Ricafort, Joey Sy, Dicky Lim, Ito Ynares, Anthony Lim, Vergil Intino, Lawrence Wacnang, Art de Castro, Magno Lim, Ed Apari at Rikki Reyes.

Ang reyna ng sabong na si Ms. Osang dela Cruz ay masisislayan din sa nasabing prestihiyosong sabong, kasama rin ang ibang bigtime na sina Ed Ochoa, Jun Mendoza, Mel Lim, James Uy, Roel Gatchalian at Tony Marfori. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy