Una sa Balita

Patricia umaming mahilig mangalabit kay Doc Rob

0 1,521

‘Kesa naman iba ang kalabitin nila!’ Kaaliw nga sina Patricia at Doc Rob, dahil wala silang kiyeme sa pagsagot sa mga tanong namin ni Rey sa Abantelliling.

Nabuking nga naming na mas clingy talaga­ si Patricia, na palaging nagpapalambing kay Doc. Na pareho raw silang good kisser.

“Kung in love ka, lahat ng klaseng kiss, gusto mo yon, eh. I think, very good kisser si Doc Rob.”
Na si Doc Rob daw ang mahilig mag-sorry kapag nag-aaway sila.

“Pag nagagalit kasi ako, I don’t talk. So, natatakot sigu­ro siya baka kung ano ang gawin ko sa kanya. So sorry agad siya.”

Pero, kaaliw rin ang pag-amin ni Patricia na siya talaga ang madalas na nangangalabit kay Doc Rob, lalo na sa gabi.

“Oo naman. At tip lang ito sa mga may asawa na babae, alam niyo kung ayaw niyo na iwan agad kayo ng mga asawa niyo, lagi kayong dapat on the go. ‘Wag kayong mahiya. Tayo kasing mga dalagang FiIipina, eh, hindi naman tayo mga dalaga na, may mga asawa na, kaya mauna na tayo, kesa naman iba ang kalabitin nila,” payo pa ni Patricia sa mga misis.

Paano mangalabit si Patricia?

“Naghuhubad muna ako. Hahahahaha!”

Kasama rin daw sa nagpapatatag ng relasyon nila ay ang pagru-role playing.

“Dati nung nasa US kami, siyempre wala akong masyadong ginagawa. Minsan umuwi ang asawa ko, naka-wig pa ako, iba-ibang kulay. Pagbukas niya ng pinto, ‘who are you?’ Ganun, hahahaha!”

Si Doc Rob ba ay nagfi-feeling macho dancer kay Patricia?

“Si Doc kasi, ang pray ko kay God, bigyan mo ako ng asawa na parang lagi akong nanonood ng Hollywood movie. At ganun nga ang feeling ko araw-araw na kapag nagigising ako, iba ang mood ko dahil nakita niyo naman ang itsura ng asawa ko,” natatawang kuwento pa ni Patricia.

Doc Rob paborito nina Claudine, Coco, JaDine

lagang-alaga rin ni Doc Rob hindi lang ang sex life nila, kundi lalo na ang kalusugan ni Patricia, at mga anak nila.

“Si Doc ina-align niya ako. Siyempre I need to lie down. And after that, alam niyo na kung ano ang next. But of course, private lang ‘yon. Pero sa clinic namin, much better magsuot kayo ng leggings, o pants, ‘wag kayong mag-shorts, kasi mas madali kayong ma-align ni Doc kung malambot ang suot niyo.”

So, bawal kapag naka-panty at bra lang?

“We don’t reject naman ng mga pasyente. Pero siyempre­ ‘pag nagpunta kayo ng naka-panty at bra, make sure na wala ako roon.”

Anyway, sina Claudine Barretto, Vice Ganda, Coco Martin,­ Nadine Lustre, James Reid, at marami pang iba na taga-ABS CBN ang madalas na bumibisita sa clinic nina Doc Rob ngayon.

Anyway, may clinic nga pala si Doc Rob sa Makati at Quezon City (Tomas Morato)­. Sa mga interesado, tawag lang sa 0905-4448172, 0995-9110881.