Una sa Balita

Patricia Tumulak, deadma na sa ‘RETOKADA’ isyu!

By
0 11

Napaka-lovable naman pala ni Patricia Tumulak ng Eat Bulaga at paminsan-minsang showbiz news correspondent ng Chika Minute ng 24 Oras at ngayon, full-time actress na via Calle Siete.

Ang Calle Siete ang papalit sa Princess in the Pa­lace na nagtapos na nu’ng Biyernes at bukas na nga mapapanood with Eula Valdez and Ryzza Mae Dizon pa rin as lead stars.

Anyway, nakakaaliw kausap si Patricia who will play Patriz sa Calle Siete dahil wala itong mga ka-etchosan. Diretso kung diretso sumagot at honest lang ang peg.

Inamin niyang okey lang sa kanya kahit na ang ilang netizens ay nire-resurrect ang old pictures niya at kinukumpara sa itsura niya ngayon. Okey lang daw sa kanya ‘yun kahit isipin pa ng iba na retokada siya. Proud si Patricia sa itsura niya ngayon.

Wa effect kay Patricia ang retokada issue, pero aminado itong hindi man niya sinasagot ang sangkaterbang bashers niya dahil sa hindi rin daw niya malamang kadahilanan, bakit sila nali-link kay Alden Richards, ‘yun daw, block, block, block lang ang drama niya.

Naapektuhan lang siya at kinailangan niyang mag-explain sa Mommy niya nang mauna raw nitong mabasa ang mga comments na kesyo malanding teacher siya, nagpapapa-cute at pokpok.

Kilala raw niya ang sarili niya at hindi siya ganu’n. Ang ayaw lang daw niya, ‘yung maapektuhan na ang pamilya niya dahil nang mabasa ito ng mommy niya, mega-hagulgol at tanong kung bakit siya ginaganu’n.

Nilinaw rin ni Patricia na kaibigan niya sina Alden at Maine Mendoza. At okey sila. Wala rin daw pinanggalingan at all ang isyu sa kanila. At never silang nag-date ni Alden at hindi raw mangyayari ‘yun. Bata pa ang tingin ni Patricia kay Alden at Ate raw siya ng mga ito.

Kahit nasa showbiz na at sa loob lang ng isang taon ay nakikilala na talaga siya, plano pa rin ni Patricia ang magturo bilang dati talaga siyang pre-school teacher, kaya ganu’n na lang siya naapektuhan din sa paninira sa kanya bilang isang guro.