Una sa Balita

Patricia nage-enjoy pumatay ng mga kalaban

By
0 1,956

Hindi maikakaila na isang masayang holiday ang nagdaan para kay Primetime Queen Marian Rivera dahil sa reunion na naganap sa kanilang magkakaibigan noong college.

Isa kasi ito sa highlights ni Yan sa kanyang Instagram account kamakailan. Halata ang pagka-miss niya sa kanila dahil from ear to ear ang ngiti ng Kapuso actress.

Samantala, nagulat ang lahat sa pagsama ng mahusay na host na si Patricia Tumulak o mas kilala bilang HBD girl ng Eat Bulaga sa well-loved Primetime series ni Marian Rivera na Super Ma’am. Ayon kay Patricia, natutuwa siya dahil action ang genre ng show.

Abante Hiring – IT dep

Dream daw talaga niya ang makapag-action scene lalo na ang pumatay ng mga zombies na siyang nangyayari ngayon sa kuwento ng programa. Pero ano nga kaya ang papel niya dito?