Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

‘Patok’

0 179

Kung may isang kataga ang isinilang sa panahon ng pandemya ito ay ang “plantita” o “plantito”.

Buhay na buhay ang negosyo ng paghahalaman sa parte ng Guiguinto, Bulacan na itinuturing na Garden Capital of the North.

Sa mga nainip noong lockdown, isa ito sa kanilang nagingstress reliever, ang maghalaman.

Iba’t iba ang nauso – may cactus, succulents, hanging plants, indoor plants, at iba pang ornamentals.

Kaya viral ito sa Facebook at Instagram.

Malago na ang negosyo ng mga paso at lupa para sa halaman.

Balak pa nga na maglagay ng suggested retail price sa mgagarden product dahil sa masiglang kalakalan nito.

Isa pang pampawala ng bagot ay ang pag-attend sa mgawebinar.

Walang nag-akala na ang Zoom, Google Meet at Canvas ang babago sa industriya ng education at training.

Dati naman na meron ito pero kumbaga sa produkto, ‘di itopinapansin noon.

Azoomtomatic, zoomie, zombie at iba pang salita na sumikatsa online world.

Ipinapalaganap na nga ang etiquette sa paggamit ng mga web application na ito.

May mga na-caught on cam na kasi na natutulog, nanonood ng bawal na palabas, at lalo pa ay gumagawa ng malaswa habangnaka bukas ang app.

Malaking eskandalo ang nilikha ng mga eksenang ganito.

Naalala ko tuloy ang palabas na Big Brother noon na ‘di langsa Pilipinas mayroon kundi sa buong mundo.

Patok ito sa mga Pinoy sapagkat nasisilip ng camera ang lahatng ginagawa ng mga kalahok.

Sa katunayan, bawal magmute ng lapel noon at 24/7 ay nakikita ang kilos ng mga nasa bahay ni Kuya.

Ngunit kahit saan ay may batas at mga panuntunan.

Pinalalayas sa loob ng bahay o force eviction ang gagawa ng violations.

Katulad din sa makabagong teknolohiya, ang tao mismo ang humuhusga kung tama o mali ang inaasal ng mga netizens at app users.

Ang bahay ay naging opisina at naging isang malakingtraining o classroom naman ang mga kusina at sala ng bahay.

Lumiit na ang mundo na ating ginagalawan at napalitan na ng virtual reality ang dating face to face interaction.

Tinatayang 36% ng mga manggagawa ang pabor na sa work from home arrangement batay sa pag-aaral.

Dati ay kakapa-kapa ang mga empleyado gayundin ang mganasa human resources department kung paano ito gagawin.

Matagal din bago tinanggap ng mga empleyado ang new normal of work.

Kumbaga, ang mga pagbabago ay madalas na tinutulan sasimula. Ngunit nang masubukan ay nabago ang pananaw ng mga tila reklamador sa kakaibang pamamaraan.

Sa mga organisasyon, ang change management ay ginagawakung kailangan nang magpalit ng kumpanya ng kanyangkultura o bisyon, misyon at kaugalian.

Madalas na tao ang apektado sa pagbabagong ito ngunit ang tao rin naman ang susi kung paano mararating ang future state ng negosyo.

Ang tanong nga ng mga eksperto, sino o ano ang dapat palitansa puntong ito? Tao ba o ugali ng tao?

Kailangan manggaling sa tao ang pagpapanibago.

Ang sense of ownership sa isang improvement, innovation o transformation ay isa sa pinakamagandang resulta kung nakasentro sa tao at nakikisangkot tayo sa pagbabago.

Araw-araw ay saksi tayo sa mga pangyayari sa lipunan.

Usapin ngayon ang isang ahensya na lubhang inaasahan natinsa panahon ng pagkakasakit at kagipitan.

Ang malungkot ay sari-saring isyu ang ipinupukol sakorporasyon ng gobyerno na ito.

Sabi ng ilan, ang solusyon ay palitan ang mga nakaupo sapinakamatataas na pwesto.

Ngunit ilang beses na nga ba na nag-change of guards ang tanggapang ito.

Ayon sa root cause analysis ay kailangang ugatin ang pinakasanhi ng problema para makapagbigay ng nararapat nasolusyon.

Change in men yata ang kailangan sa sitwasyong ito.

Baka WAVE o work attitude at values enhancement ang akmang programa para mapuksa na ang salot.

Mungkahi naman ng double loop learning, bilang isang bukasna sistema ay dapat makita ang pagbabago sa aksyon at pagdedesisyon batay sa mga naging karanasan sa nakaraan.

Lumang kasabihan na “history repeats itself” ngunit swak pa rin ito bilang aral sa makabagong panahon.

Para ito ay bahagi ng isang awitin na “nandyan ka nanaman… iniiwasan na, lalapit-lapit pa, di na natuto…”

Ang pagpasok ng buwan ng Setyembre ay nagbibigay sa atinng bagong pananaw.

Ito ang simula ng pinakamahabang pagdiriwang ng pasko samundo.

Halos lampas na sa kalahating taon nang sumapit ang coronavirus na bumura sa mga dating kinasanayan natin nagawain.

Malayang-malaya tayo noon na nakakikilos ngunit ngayon ay maraming hadlang.

Konting kibot ay may salo-salo at kasiyahan ang pamilya at barkada.

Tuwing araw ng pahinga ay nasa mall o nagliliwaliw bilangturista.

Lahat ng ito ay napalitan. Ngayon ay naging mabagal ang takbo ng panahon.

Mas nakapag-iisip nang malalim, mas maraming quality time sa pamilya, ‘di na sobrang commercial ang panlasa, nagingmaparaan, mas mapagkawanggawa at napalapit sa Diyos.

Nawa’y ang pasko sa taong ito ang magpaalala sa atin namaaari pa rin tayo na mag-think positive.

Habang wala tayong sakit at may kinakain pa sa araw-araw ay maging mapagpasalamat at bukas-palad na tumulong sa iba.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.