Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Patituluhan ang lote

0 184

Goood am po Attorney,

Magtatanong lang po. Paano po ba dapat namin gawin inaayos po sana namin ang papel ng lupa na binili namin noong 2015 pero hindi po mkita sa Assessors Office yung lote at ngayon po ay may umaanggkin na. Sa lolo daw po nila ang lupa na ayon nAman po sa DAR ay Republic of the Philippines at Easement daw po ito ng creek kaya wala pong titulo. Ano po ang dapat naming gawin?

Maraming salamat po sa inyong mgiging tugon.

Raquel

Ms. Raquel,

Unang tanong ko ay paano ninyo ba ito nabili? Nagbabayad ba ang seller nyo ng amilyar bago ito binenta sa inyo? Ano bang dokumento ang binigay sa inyo ng seller para patunayan na kanya nya ang property na binili ninyo? I hope na may rights sa lupa ang nagbenta sa inyo.

SM food to go Banner Ad

Gawin nyo munang kumuha ng isang geodetic engineer para ma locate ang property na inyong nabili. Susukatin yang lupa at malalaman ang technical description nito.

Kung nasukat na ay saka ninyo ito applyan ng real property tax declaration at saka bayaran ang dapat na bayaran.

Ang problema lamang ay kung ito ay nakapangalan sa Republic of the Philippines at lumalabas na easement ito dahil walang pwedeng na may- ari nyan.

Kaya ang dapat gawin ay alamin kung ano ba talaga ang estado ng lupa at kung kayang patituluhan ito sa pamamagitan ng prescription. Prescription ay isang paraan upang maging may ari ng isang property kung ang lupa na walang may ari at deklaradong alienable at disposable ay maaring maangkin ng legal kung ito ay na okupa ng tuloy tuloy at in the concept of an owner sa loob ng 10 taon (ordinary prescripton) o 30 years (extraordinary prescription).

Sana ay qualified kayong maging may-ari at huwag pansinin ang mga maaaring nagpapanggap na may ari. Huwag ninyo iwan ang inyong karapatan sa lupa.

Kung may katanungan pa ay tumawag lamang sa 8922 02 45 o mag email sa attorneyclaire@gmail.com. Please subscribe to my youtube channel Ito ang Batas with Atty. Claire Castro.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.