Una sa Balita

Patikim ni Kim patok sa mga kelot

By
0 721

abante-talbog-joe-barramedaSa ika-23rd na anibersaryo ng Bubble Gang, masaya ang Asia’s fantasy na si Kim Domingo sa tagumpay na patuloy na tinatamasa ng multi-awarded gag show ng bansa.

Ayon sa kanya, nagkaroon siya ng pagkakataong makilala hindi lamang sa pagpapa-seksi kundi pati na rin ang iba pa niyang mga talent.

Thankful at proud din si Kim dahil mayroon siyang sariling segment sa Bubble Gang, ang Patikim ni Kim, na talagang inaabangan tuwing Friday nights. Abangan ang pasabog na inihahanda ng Bubble Gang barkada para sa kanilang 23rd anniversary soon on GMA!

Ano kaya ang ipapatikim ni Kim sa bonggang episode na ito?

***

Mike sa TV kinasasabikan ng mga fan

Marami na talagang nakaka-miss kay Mike Enriquez. Isang patunay ang mga usap-usapan ng mga netizen nang masilip nila ang 24 Oras anchor na kasama sa Memorandum of Agreement signing ng GMA Network para sa Eleksyon 2019, kung saan ay isa siya sa mga host.

Dinumog ng magagandang komento mula sa netizens ang kauna-unahang paglabas ni Mike sa publiko mula nang ianunsiyo niya ang kanyang medical leave. Natuwa ang netizens na makitang muli ang batikang broadcaster at gusto na nila itong muling mapanuod sa telebisyon. Hiling nila na magtuluy-tuloy na ang paggaling nito.

***

‘Angelo’ hindi tunay na anak ni Ken Chan

Saludo ako kay Ken Chan. Patuloy na dumarami ang mga nahuhumaling sa nakakaantig na kuwento ng My Special Tatay. Malaki ang pasasalamat ni Ken Chan sa lahat ng sumusubaybay sa serye dahil patuloy itong humahataw sa TV ratings.

Sa Instagram post ni Ken, inilahad niyang alay niya ang tagumpay ng programa para sa mga kagaya ng karakter niyang si Boyet na may intellectual disability at autism.

Samantala, nagunaw ang mundo ni Boyet nang malaman niyang hindi siya ang tunay na ama ni Baby Angelo. Paano na ang ating espesyal na ama?

***

Kevin hindi makasabay sa akting nina Vic, Maine

Aminadong naninibago pa ang Kapuso comedian na si Kevin Santos sa atake ng comedy ng GMA sitcom na Daddy’s Gurl kung saan kasama niya sina Bossing Vic Sotto at Maine Mendoza.

Ani Kevin, “Ito kasing Daddy’s Gurl may kakaibang atake na ngayon naga-adjust pa ako. Hindi lang dito basta magpapatawa ka, kailangan kasi seryoso ka, pero matatawa ‘yung audience.”

Gayunman, nag-eenjoy si Kevin sa kakaibang konsepto ng programa dahil kung dati ay nasa studio lamang ang sitcoms, nasa totoong location na ito sa Daddy’s Gurl. Dagdag pa niya, marami pang dapat abangan ang mga manonood dahil may magandang kuwentong ibabahagi rin ang show.

Nako, nakaka-excite talaga! Tutukan yan sa Daddy’s Gurl tuwing Sabado ng gabi pagkatapos ng Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento sa GMA!