Una sa Balita

Patikim nga

0 350

Paano ka ba mabubuhay kung walang pagkain? Ang pagkain ay kailangan para sa ating kalusugan, para tayo ay makakilos at makapag-isip at para tayo ay sumaya.

May mga pagkaing kailangan ng a­ting katawan pero ayaw nating kainin dahil hindi natin gusto ang lasa. May mga pagkaing nakasa-sama sa kalusugan lalo na at napaparami ang kain natin ng mga ito, pero wala tayong pakialam. Sige lang ang kain dahil nagbibigay ito ng kakaibang saya sa dila.

Pagkain ang ibinuhay sa aming limang magkakapatid ng aming mga magulang.

May puwesto kami ng karne ng baboy sa Divisoria. Nagsaka kami ng palay sa p­robinsiya. Nagtinda rin ng mga lutong merienda ang aking nanay para may pambaon kami sa eskuwelahan. Napakasarap ng dinuguan at sopas ni Mama! Ang sikreto ng a­king ina sa kanyang masarap na sopas ay pinakuluang biyas ng baboy at susundan ng pagpapakulo ng manok. Bukod sa gatas, nilalagyan din ito ng kaunting margarine para mas malasa.

Ang aking ama, nang nabubuhay pa, ay napakagaling mag-imbento ng l­ulutuin.

Pinatikim niya rin kami ng mga e­xotic foods tulad ng adobo at sinampalukang pa-laka. Tastes like chicken!

Pero natuto lang akong magluto nang ako ay nag-asawa na. Noong una ay tumatawag pa ako sa Mama ko para alamin lang ang pamamaraan ng pagluto ng beef steak at sinigang. Kalaunan, nanggagaya na ako ng recipes na nakukuha ko sa dyaryo at magazines. At nang nagba-budget na ako, natuto rin akong mag-recycle ng ulam.

Ang paglalakbay ay nakakatulong din sa pagdiskubre ko ng mga bagong pagkain. Kung hindi ko makuha ang recipe, pinipilit kong i-deconstruct sa dila ko kung ano ang mga ingredients at ginamit na pampalasa.

Excited ako kapag nakakatikim ako ng mga bagong putahe. I don’t play safe. Minsan, kahit hindi ako sigurado sa lasa, tinitikman ko. Kaya lang, dahil nanghihinayang ako sa ibina-yad ko, kahit na hindi ko gusto, pinipilit ko pa ring ubusin.

Sa aking bagong kolum dito sa A­bante, ibabahagi ko ang a­king mga bagong natutuklasang pagkain, k­ainan at ang mga maaaring makatulong din sa a­ting kalusugan. Makikipagtulungan ako sa mga eksperto at maging sa mga ordinaryong nagluluto ng mga putahe para maihatid ang mga kakaibang kwentuhan sa pagkain.

Iniimbitahan ko rin kayong magbahagi ng inyong mga nalalaman sa pagluluto o mga kakaibang nalasahang pagkain. Kung kayo rin ay may kainan at nais na maibahagi ang inyong special menu, welcome din dito.

Maaaring magpadala ng inyong kwentong pagkain sa aking email address: marou70@gmail.com o sa FB messenger: Marou P­ahati Sarne.

Tara na at mag-food trip at tumikim ng mga bagong lasa!

* Si Marou P­ahati Sarne ay dalawang beses na kinilala bilang Best Radio M­agazine Program Host ng K­apisanan ng mga Brodkaster ng P­ilipinas sa Golden Dove Awards noong taong 2016 at 2017.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy