Una sa Balita

Pati lokal na perang padala, may 12% tax

By
0 121

Hindi rin maliligtas sa buwis ang mga lokal na perang padala sa iba’t ibang remittance centers na tulad ng LBC, Palawan Express, Western Union, Cebuana at iba pa.

Ito umano ay nakapaloob na sa tax reform package na isinusulong sa Kongreso kaya naman may ilang kongresista na maagang pumapalag dahil ang masasapul nito ay ang mahihirap na mamamayan na walang bank account na pwedeng tulayan ng ‘money transfer’.

“Pati mga pera padala dito sa loob ng ating bansa, hindi lang remittances ng mga overseas Filipino workers (OFWs) ay gustong buwisan,” himig pagsusumbong ni Bayan Muna partylist Rep. Carlos Zarate sa publiko na walang kamalay-malay sa paparating na delubyong kaliwa’t kanang buwis.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy