Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pati ang ‘nutribun’ nagbabalik!

0 146

“The nourishment of body is food, while the nourishment of the soul is feeding other .” – Anonymous

Noong nag-aaral ako sa Yangco Elementary School (YES) , taong 1972 , linggo-linggo ay regular ang suplay namin ng ‘nutribun’ . Bukod sa ‘nutribun’ , may kasama pa itong gatas na nasa maliit na tasang stainless.

Para mas sumarap, ang ginawa kong palaman sa ‘nutribun’ ay ‘tira-tira’ . Isang matamis na kendi na mahaba .

Kaya naman noon ko pa iminumungkahing ibalik na ang ‘nutribun’ . Ito rin ang dahilan bakit regular ang ‘Lugawan ni iGan’ feeding program namin sa iGan ng Pilipinas Foundation , Inc .

Pero papaano ba ito nagsimula at laging nakakabit sa mga Marcos ?

Ang Nutribun ay binuo ng isang pangkat ng mga nutritionist at mga experts sa agrikultura mula sa Virginia Polytechnic Institute at State University . Noong 1968 at 1970 at “idinisenyo bilang isang maginhawang ‘ready-to-eat complete meal’ para sa mga pampublikong programa sa pagpapakain sa elementarya upang labanan ang malnutrisyon ng bata sa bansa.

Nang malapit nang matapos ang unang termino ni Ferdinand Marcos bilang pangulo ng Pilipinas noong huling bahagi ng dekada 1960, tumaas ang antas ng malnutrisyon, lalo na sa mga bata.

Ginamit ng Marcos administrasyon ang Official Development Assistance (ODA) – sa anyo ng Food for Peace Program ng United States – upang magsimula ng limang taon programa sa nutrisyon, na kalaunan ay pinangalanang ‘Operation Timbang’ noong 1971.

Simula noong 1972, sinimulan ng USAID na magbigay sa gobyerno ng Pilipinas ng libu-libong tinapay ng ‘nutribun’. Kinuha ng gobyerno ang produksyon ng tinapay noong 1975, kahit na dumating pa rin ang mga pagpapadala ng mga sangkap mula sa USAID . Si dating First Lady Imelda Marco ang nag-claim ng credit para sa ‘nutribun’ noon. Namamahagi siya ng mga bag na puno ng ‘nutribun, na may nakatatak ng “Courtesy of Imelda Marcos-Tulungan Project”, kahit na ang mga ito ay mga donasyon ng USAID at iba pang lokal na donor.

Mula 1971 hanggang 1973, ang malubhang malnutrisyon sa mga bata ay nabawasan mula sa limang (5) porsyento hanggang sa isang porsyento.

Kasunod ng pagbaba ng rate ng malnutrisyon sa Pilipinas, ang programa ay unti-unting inalis. At ang mga huling batch ng’nutribun’ ay ipinamahagi noong 1997.

Noong 2014, ang tumataas na halaga ng pagkain at pagtaas ng mga kaso ng malnutrisyon sa Maynila ang naging dahilan sa pagbabalik ng programang ‘nutribun’ .

Noong Agosto 2019, ibinalik muli ni Marikina Mayor Marcelino Teodoro ang ‘nutribun’ nang mapansin ng mga opisyal ng lungsod na kulang sa nutrisyon ang ilang estudyante sa pampublikong paaralan .

Noong Hulyo 2020, inanunsyo ng gobyerno ng Pilipinas ang mga pagpapahusay sa kalidad at nutritional value ng Nutribun, kabilang ang mas magandang texture at lasa sa pamamagitan ng paggamit ng squash bilang pangunahing sangkap, at pagdaragdag ng protina, iron at bitamina A .

At ngayon ang DOST-FNRI ay muling mamahagi ng E-nutribun na mas maraming micro nutrients.

Ayon sa ulat ng UNICEF, araw-araw, 95 na bata sa Pilipinas ang namamatay dahil sa malnutrisyon. Dalawampu’t pito sa 1,000 batang Pilipino ang hindi nakakalagpas sa kanilang ikalimang kaarawan. Ang ikatlong bahagi ng mga batang Pilipino ay bansot, o kulang sa kanilang edad. Ang pagkabansot pagkatapos ng 2 taong gulang ay maaaring maging permanente, hindi maibabalik at kahit na nakamamatay.

Iligtas natin ang ating mga bata .

Sa mga nais na tumulong,

Metro bank account number:

180-7-180-511-00-4

Metrobank Dollar Account :

180-2-180-006-20- 0

Account name: iGan Foundation

Walang Personalan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.