Una sa Balita

Pati air traffic, lalala

By
0 3

Kung sa ‘land travel’ ay matinding trapik ang inaabot ngayon ng publiko, partikular sa Metro Manila, nakaumang din ang mala-bangungot na trapik sa ere sa binabalak ni President-elect Rodrigo Duterte na mag-commute sa commercial airline para umuwi ng Davao araw-araw.

Ayon sa aviation security expert ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), ang pagsakay sa eroplano ng Pangulo ay awtomatikong maalerto ang airtraffic controller para ideklara ang “quasi-emergency” na kung saan ang airport operations ay pansa­mantalang ilagay sa “freeze mode” dahil sa seguridad.

“The moment the President steps into the airplane and taxi out in preparation for takeoff, all airport activities are temporarily suspended,” ani CAAP deputy director general Rodante Joya.