Una sa Balita

PATAY SA TRAUMA!

By , ,
0 157

Duguan ang panty at kumpirmadong wasak ang puri ni Irma Avila Edloy nang dumating sa King Salman Bin Abdul Aziz Hospital sa Riyadh, Saudi Arabia. Hindi ito halos makausap at pasa-pasa ang mukha at katawan. Pero pinaniniwalaan na ang kumitil sa kanya, ang matinding trauma sa sinapit na kalupitan.

Matatandaan na sa mga naunang ulat ay nag-comatose pa si Edloy ngunit dakong alas-11:45 kagabi (Saudi time) ay nalagutan na ng hininga ang 35-anyos na overseas Filipino worker (OFW).

Ito ang kinumpirma kahapon ni Susan Ople ng Blas Ople Policy Center sa panayam ng Abante, base sa natanggap na tawag mula kay Department of Labor and Employment (DOLE) Sec. Silvestre Bello III at ACT-OFW partylist Rep. Aniceto John Bertiz na parehong lumipad para asistehan ang biktimang kababayan.

Hindi naman naniniwala si Bello na panggagahasa lamang ang inabot ng Pinay dahil nakitaan din umano ng mga pasa sa mukha at katawan si Edloy.

“Kailangan ng tho­rough investigation para malaman kung sino ang may kagagawan at kung ano ang ginawa sa ating kababayan,” sabi ni Bello.

Nakabisita pa si Bello kasama si Bertiz sa nakaratay na kababayan ngunit nadatnan nila ito na masama na ang lagay.

Batay naman sa report ng isang nurse, nagpakita umano sa ospital ang mismong employer ni Edloy bago ito tuluyang nawalan ng malay.

“Doon nagkaroon ng reaksyon na parang lalong natakot at parang kinabahan ang biktima bago ito naging unconscious,” pahayag pa ni Bello.

Bago tuluyang nalagutan ng hininga ay nasabi pa nito sa nurse na tumingin sa kanya na ang kanyang employer ang umano’y gumahasa sa kanya.

Na-comatose ang biktima noong Martes .

Hulyo 28 ng kasaluku­yang taon lamang dumating si Edloy  sa Riyadh  matapos ma-recruit ng agency na Rejoice Employment  International Corporation, na kasalukuyang naka-temporary suspension. Nasa ilalim ito ng principal employer na Al Sayyar Recruitment sa Riyadh.

Sinabi ni Bello na agaran niyang paiim­bestigahan ang ahensya na nagpaalis sa biktima.
Humingi rin ito ng tulong sa Saudi Arabia Minister of Labor para madakip at makasuhan ang employer ng Pinay.

Inutos na rin ang agarang pag-uwi ng labi ni Edloy para makapiling na ito ng pamilya sa Pilipinas.

“May instruction na po ako na kailangang maiuwi agad ang bangkay soonest possible time,” ani Bello.

Samantala, nagluksa ang grupong kumakatawan sa mga overseas Filipino workers (OFWs) sa pagkamatay ng Edloy na ayon kay ACT OFW party-list Rep. Aniceto Bertiz, ay na-heart attack matapos makita ang kanyang employer habang nakaratay sa ospital.

“The OFW had a heart attack immediately after seeing her Saudi employer at the hospital.

We cannot discount the possibility that her employer may be involved,” pahayag ni Bertiz na dumalaw sa biktima sa Riyadh,  Saudi Arabia.

Habang ginagamot, dinalaw umano ito ng kanyang hindi pa pinapangalanang employer at nang makita ito ng biktima ay bigla itong na-heart attack na naging dahilan para ma-comatose ito.

Habang ginagamot sa  King Salman Hospital  Riyadh,  bumigay na umano si Edloy kaya nagluluksa at humihingi ng katarungan ang mga OFWs para sa kanya.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy