Una sa Balita

Patay sa Sri Lanka bombing umakyat sa 359

0 238

MULING nadagdagan ang bilang ng mga nasawi sa nangyaring pag-atake sa Sri Lanka noong Easter Sunday.

Sa pinakahuling ulat kahapon, naitala na 359 katao ang namatay mula sa dating record na 350.

Inako na ng Islamic State group ang responsibilidad sa pagpapasabog at nakapaglabas na rin ng mga pruweba kabilang ang pitong suicide bomber sa tatlong simbahan at tatlong hotel.

Sinabi naman ni Prime Minister Ranil Wickremesinghe, patuloy pang inaalam ng mga imbestigador ang pinsala ng mga serye ng pagsabog.

Samantala, sinabi ni Police spokesman Ruwan Gunasekara na nasa 18 katao na ang inaresto dahilan upang umakyat na rin sa 58 katao ang nakakulong para imbestigahan ang partispasyon sa nangya­ring serye ng atake.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy