Patay sa lindol sa Iran lumobo sa 400

By

Ilang libong Iranian ang nagpalipas ng gabi sa labas ng bahay matapos yanigin ng 7.3 magnitude na lindol ang bansa noong Linggo ng gabi kung saan higit sa 400 katao na ang naitalang patay.

Tiniis ng mga residente ng Kermanshah, isang lalawigan sa kanlurang bahagi ng Iran, ang lamig sa labas dahil sa takot na muling umuga at tuluyang gumuho ang kanilang mga bahay.

Idineklara ng Iran ang National day of mourning kung saan maraming lugar ang pinatag ng malakas na lindol matapos makumpirma ang total destruction ng mga bahay.

“Newly constructed buildings…held up well, but the old houses built with earth were totally des­troyed,” ayon kay Major General Mohammed Ali Jafari, head ng Revolutionary Guards ng Iran.

Ang death toll sa Iran ay pumalo na sa 413 at 6,700 sugatan, habang sa katabing bansang Iraq ay walo ang nakumpirmang patay dahil sa hindi matao ang bulubunduking Kurdistan na tinamaan ng ma­lakas na lindol.

Ayon sa official IRNA news agency ng Iran, 30 Red Crescent team na ang pinadala sa mga lugar na apektado ng lindol. Naipadala na rin ang 22,000 tent, 52,000 kumot at tone-toneladang pagkain at tubig sa apektadong lugar. 

SHARE