Una sa Balita

Patay sa COVID-19 tuloy sa paglobo

0 319

INIULAT ng mga health official sa Hubei, China na panibagong 242 katao pa ang namatay dahil sa coronavirus o COVID-19 nitong Huwebes, Pebrero 13.

Ayon sa Aljazeera, ito na ang pinakamataas na naitalang death toll sa loob lang ng isang araw kaya umabot na sa 1,355 pasyente ang kabuuang namatay sa COVID-19 sa China.

Malaki rin ang itinaas ng bilang ng nahawaan ng virus kung saan 14,840 katao pa ang nakumpirmang may infection sa nakalipas na 24 oras noong Miyerkoles.

Bunsod nito, tinanggal sa puwesto si Hubei Provincial Committee of the Communist Party of China Head Jiang Chaoliang.

Pinalitan si Chaoling ni Shanghai Mayor Ying Yong. (Issa Santiago)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More