Una sa Balita

Patay sa coronavirus lagpas 1K na

0 499

Isang buwan ­matapos maitala ang unang namatay sa novel coronavirus (2019-nCoV), higit 1,000 na ang pumanaw sa bansang China dulot ng nasabing sakit ngayong Martes.

Sa huling tala ng Chinese National Health Commission nitong Martes nang umaga, Pebrero 11, 2020, nasa 1,016 na ang namatay habang 42,638 cases na ang tinamaan ng 2019-nCoV.

Samantala, sa 314 persons under investigation (PUI) sa natu­rang sakit sa bansa, tatlo pa rin ang kumpirmadong kaso habang 109 dito ang nagnegatibo at 202 naman ang wala pang resulta, ayon sa Department of Health (DOH) kahapon. (Riley Cea)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More