Una sa Balita

Patay kay Usman umakyat sa 85

0 380

UMABOT na sa 85 katao ang bilang ng mga nasawi sa bagyong Usman, ayon sa pinakahuling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), alas-sais nang umaga kahapon.

Gayunman, sinabi sa ulat na inilabas ng tanggapan ni NDRRMC Executive Director Ricardo Jalad na kanila pang bineberipika ang nasabing bilang.

Base sa ulat, ang mga nasawi ay mula sa Mimaropa, Bicol at Eastern Visayas.

Samantala, nasa 45,348 na mga pamilya naman o 191,597 katao ang apektado ng bagyong Usman mula sa 457 barangay sa Calabarzon, Mimaropa, Bicol at Eastern Visayas.

Sa nasabing bilang, may 6,637 pamilya o 24,894 na katao ang nasa 170 evaucation center.

Tinatayang aabot naman sa P342,233,565.24 ang kabuuang ha­laga ng pinsalang dinulot ng bagyong Usman sa agrikultura sa Bicol Region. (PNA)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy