Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Patay kay ‘Maring’ sumirit sa 30

0 105

Umakyat na sa 30 ang bilang ng mga namatay dahil sa bagyong ‘Maring’,­ ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Batay sa NDRRMC, sa nasabing bilang, 19 ang kumpirmado habang bineberipika pa nila ang 11 iba pa.

Pinakamaraming nasawi sa Ilocos Sur sa bilang na 14. Sinundan ito ng siyam sa Benguet, apat sa Palawan, dalawa sa Cagayan, at isa sa Pangasinan.

Bukod sa nasabing mga namatay, 14 ang naireport na nawawala kung saan 13 ang kumpirmado habang isa ang patuloy na bineberipika. Sa naunang bilang, ayon sa NDRRMC, lima ang nawawala sa Palawan, habang tig-tatlo sa Ilocos Sur at sa La Union, at tig-iisa sa Ilocos Norte, Pangasinan, at Benguet.

Kabuuang 194,677 katao o 50,040 mga pamilya ang apektado ng bagyong ‘Maring’ sa 673 barangay sa Ilocos, Cagayan, Central Luzon, Mimaropa, Western Visayas, Caraga, at Cordillera.

Pumalo naman sa 7,370 katao o 1,775 pamilya ang nanunuluyan sa 124 evacuation center, at 7,539 katao o 1,658 pamilya ang nakikisilong sa kanilang mga kaanak o mga kaibigan. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.