Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Patawid na engineer dedbol sa bundol

0 175

HINDI na umabot ng buhay sa ospital ang isang chemical engineer sa isang kumpanya sa Export Processing Zone (EPZA) nang mabundol ng isang motorsiklo habang tumatawid sa Gen Trias City, Cavite Huwebes ng umaga.

Isinugod pa sa Divine Grace Medical Center ang biktimang si Engr. Sean Thaddeus Cala y Sampelo, 32, binata, Chemical Engineer ng OM Manufacturing Phil, Inc sa loob ng EPZA subalit bigo nang maisalba.

Arestado naman ang driver ng motorsiklong Honda na may plakang YS7516 na minamaneho ni Joemar Sabado y Bilog, binata, isang Production Operator ng HTI sa loob din ng EPZA.

Sa ulat ni Corporal Ruelord Magbitang, ng Gen Trias City Police Station, alas-10:30 kamakalawa ng umaga nang naganap ang insidente.

Tumatawid ang biktima sa EPZA-Bacao Diversion Road nang mabangga ng motorsiklo ni Sabado.

Sa lakas ng impact, tumama ang ulo nito sa semento na siya niyang agad ikinamatay. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.