Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Patakaran sa Filipino Sign Language nilabas na

0 120

Makalipas ang tatlong taon, inaprubahan na ang Implementing Rules and Regulation (IRR) ng Filipino Sign Language Law na naisabatas noong 2018.

Ikinatuwa ni House Committee on Persons with Disabilities chairperson at Negros Occidental Rep. Ma. Lourdes Arroyo ang paglabas ng IRR na makatutulong aniya sa Deaf community ng bansa.

Inaprubahan ng Inter-Agency Council ang IRR pitong araw makalipas ang isinagawang pagdinig ng Komite ni Arroyo kaugnay ng pagpapatupad ng FSL law.

Ayon kay Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) Commissioner Benjamin Mendillo, nakagawa na ang ahensiya ng paunang draft ng IRR subalit hindi pa nagpapadala sa kanila ng suhestiyon o opinyon ang iba pang ahensiya.

Pinasalamatan ng mambabatas sina Mendillo at KWF Commissioner Dr. Arthur Cassanova sa kanilang pagpupunyagi upang mailabas na ang IRR. (Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.