Patakaran sa face-to-face class pinamamadali

Hiniling ng Catholic Educational Association of the Philippines-National Capital Region (CEAP-NCR) ang agarang paglabas ng guideline o mga panuntunan para sa implementasyon ng limitadong face-to-face classes sa mga piling eskuwelahan.
Sa pahayag ni CEAP-NCR trustee Fr. Nolan Que, ang DepEd guidelines ang batayan ng mga Catholic school sa pagbuo ng mga polisiya para sa mas maayos na pagsunod sa new normal na ipinatutupad sa bansa kung saan 120 paaralan ang pinayagan sa limitadong face-to-face classes.
Umaasa rin ang CEAP na paiigtingin ng mga lokal na pamahalaan ang hakbang sa pagpapatupad ng health and safety protocol sa mg paaralan na napili sa pilot testing ng face-to-face classes.
Layunin aniya ng CEAP na mabawasan ang pangamba ng mga magulang sa kaligtasan ng mga kabataan na isasabak sa face-to-face classes. (Vick Aquino)