Una sa Balita

Pasyente sa London gumaling sa HIV

0 773

Isang lalaki ang nakarekober sa sakit na HIV-1, ang virus na siyang pinagmumulan ng AIDS.

Ito na ang ikalawang tao na guma­ling sa HIV matapos sumailalim sa paggamot.

Ang lalaki na tinawag lamang sa bansag na ‘London patient’, ay hindi na nakitaan ng virus sa loob ng 19 buwan.
Sumailalim ang pasyente sa bone marrow transplant upang magamot ang kanyang blood cancer, kung saan nakatanggap ito ng stem cells mula sa donor na may rare genetic mutation na siyang pumipigil sa HIV.

Sa ganitong pro­seso din gumaling ang unang pasyente, may 10 taon na ang nakaraan.

Karaniwang ginagamit na gamot sa mga taong may HIV ang antiretroviral therapy (ARV) pero hindi pa rin nawawala ang virus dito.

Tinatayang 37 milyong katao ang may HIV sa buong mundo at 59 porsyento lamang sa kanila ang tumatanggap ng ARV. Isang milyon kada taon ang namamatay dahil sa mga komplikasyon dulot ng HIV.

Nakatakdang ihayag sa isang press conference sa Martes ang paggaling ng London patient.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More