Una sa Balita

Pasyalan natin ang The Yard

By
0 1,384

MAY bagong bukas na pasyalan, gimikan at kainan sa Kawit, Cavite na madadaanan mo kapag nasa Centennial Road ka. Ito ay ang THE YARD na pagmamay-ari ng aking kumare na si Miladay “Neneng” Ponsones. Halos gabi-gabing puno sa nasabing lugar.

Very affordable ang presyo ng mga pagkain sa THE YARD at maraming kang mapagpipilian. Masaya ang lugar at pampamilya pa.

May mga banda rin na habang kumakain kayo’y tinutugtog nila ang mga paborito ninyong kanta.

Ang daming mga maliliit na mga shop doon tulad ng Lago De Dalahican bar, Sakurajima (takoyaki balls, wagyu cubes, Japanese pancake, cheesecake on stick), Sushimaki (ramen, sushi, tempura), Black Sails (seafoods), Brothers Pizza, Chicklist (chicken wings), Ice Cream Lab (nitrogen ice cream), Chiquititas (Mexican food), Siti (authentic Malaysian food), Parilla (grilled sticks na may street food goodness), Burp-A-Cheese (mozarella burger), Love in A Cup (milkshake), Transforkmers (all kinds of sisig), Flame and Ramen (burger made of Japanese ramen), Farmers Orchard (juices that are fresh and raw), Bonfire (grilled ulam), Squeezies and Lemonade (cheese fries and lemonade), Shawrap Silog (shawarma rice at lahat shawarma), Sweet Bites (pastry, dessert at plate buffet), Yeomin Taste (taste of Korea), Foodstock (rice meals with egg at rice meal with a twist), Puffle Cone (waffle cone inside ice cream in a waffle), Abandon Ship (squid), Frizzin (sausage and ice cream), Instagrill (boodle fight in a banana), Craft Burger, Love and Tori (karaage and japanese chicken), Soko (Korean chicken), Hooka (kebas and shisha), Beer Match (seafoods on a stick), Cuts and Breadings (nuggets) at Ribbound (delicious ribs).

Nagpunta na rin dito sina Hon. Jolo Revilla, Paul Lee at iba pang mga sikat na personalidad sa larangan ng sports at entertainment. Ang address po ay No. 9010 THE YARD Food Park, Centennial Road, Kawit, Cavite.

***

Nag-umpisa na ang NCAA 2018 sa SM MOA Arena. Muntik nang talunin ng Perpetual team ang San Beda Red Lions at nanalo naman sa dikit na laban ang Lyceum Pirates kontra SSC-RECOLETOS Stags.

Sa parehong laban nanaig o nagdomina pareho ang mga imports na sina Tankoua at Harry. Halimaw game ‘ika nga, halos 20/20 (rebounds at score) ang performance nila sa magkasunod na game.

***

Nagsimba ang Arellano Men’s Basketball team sa St. Jude Church na malapit sa Malacañang Palace. Nagpa-bless ang mga manlalaro ng mga uniform at jogging pants sa pari ng St. Jude na kasalukuyang kumukuha ng Law sa Arellano Taft.

At sinundan ito ng munting salo-salo sa May Sun Restaurant along U.N. Avenue.

Nagpapasalamat ang team kay Boss Bren Chong ng Barangay 143 na siyang No. 1 supporter.