Una sa Balita

Pastor Quiboloy kumasa sa hamon ni Vice Ganda

0 1,735

May sagot na si Pastor Quiboloy sa hamon ni “It’s Showtime” host Vice Ganda habang nagbibiro sa audience, na aniya’y ang Pastor lang ang makakapagpatigil kay Cardo.

“Bakit naman dumating tayo diyan? Parang lindol lang ‘yung pina-stop ko, e, dumating pa ‘yung challenge na ipa-stop ko daw ‘yung ‘Probinsyano’ o kaya ‘yung sa EDSA,” sagot ni Quiboloy sa isang nagtanong tungkol sa hamon ni Vice sa live episode ng kanyang programang “Spotlight” sa Sonshine Media Network International (SMNI) Huwebes ng gabi.

“Kailan mo ba gustong mapa-stop ang ‘Ang Probinsyano’? Ikaw, magpili ka, kelan mo ba gustong mai-stop?

“Isang buwan? Dalawang buwan? Tatlong buwan? Apat na buwan? Ikaw, pili ka,” tanong naman ng Pastor sa Unkabogable Star.

“Baka sa apat na buwan, hindi lang ‘yung ‘Probinsyano’ ang mai-stop, baka pati ‘yung network mo stop na ‘yan,” may himig pang-aasar pa ni Quiboloy.

Nakatakdang matapos ang prangkisa ng ABS-CBN sa March 2020, o halos apat na buwan na lamang mula ngayon. Hanggang ngayon ay nakabinbin pa sa Kongreso ang petisyon para sa franchise renewal ng Kapamilya channel.

“Pero dahil chinallenge mo, hindi ako magsasalita, but the challenge is accepted.

“Pero ‘di ako magsasalita, hihintayin mo na lang. Okay?”

Si Quiboloy ay isa sa mga malalapit na kaalyado ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Si Cardo na ginagampanan ni Coco Martin sa “Ang Probinsyano” ay tampulan ng tukso dahil mahigit apat na taon na ito sa ere ngunit namamayagpag pa rin ito at buhay pa ang karakter kahit makailang beses na itong nalagay sa peligro ang buhay. Immortal nga kung ituring siya ng mga netizen.

“Si Quiboloy lang ang magpapahinto ng ‘Ang Probinsyano’, abangan niyo ‘yan.

“So ano, Quiboloy, hinahamon kita, ipahinto mo nga ang Probinsyano. Napahinto mo pala ang lindol, e. Napakayabang niyo pala!” pambubuyo ni Vice sa Pastor. (Jun Lopez)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy