Una sa Balita

Pastor prinotesta ng mga Katoliko sa NY

0 744

Ni Dave ­Llavanes Jr.

WOODSIDE, NY — Nagrally ang ilang parishioner ng St. Sebastian Parish sa Woodside, New York dahil sa hindi pagre-report ng financial status ng simbahan apat na taon na ang nakakalipas.

Inireklamo ng mga parishioner ang sobrang paghingi ng pera ni Pastor Kevin P. Abels subalit wala naman itong ipinakikitang accounting sa mga nagbibigay ng donasyon.

Hindi rin maipaliwanag kung saan at paano ginagastos ng simbahan ang perang nalilikom sa kaliwa’t kanang fundraising ng simbahan.

Bukod sa isyu ng finances ng simbahan, isinisisi rin kay Pastor Ables ang pagkakatanggal sa nag-iisang paring Pinoy sa naturang simbahan na si Father Joey Francisco na tubong Davao.

Pinalayas si Father Francisco sa simbahan noong nakaraang linggo matapos ang mga rally laban sa pamamalakad ng naturang pastor.

Sa panayam ng Abante kay Father Francisco, sinabi nito na hindi siya sang-ayon sa kilos-protesta at ayaw na niyang magbigay ng komento kaugnay sa pagtanggal sa kanya sa simbahan.

Bukod sa isyu na ito, inireklamo rin ng isang parishioner si Ables matapos na umano’y ipahiya siya nito sa gitna ng misa noong nakaraang linggo.

Ang St. Sebastian Parish ang pinakamalaking Catholic Church sa Queens kung saan nasa 3,000 Pilipino ang nagsisimba.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy