Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pastor pinasabog ulo sa bible study

0 89

Patay ang isang pastor matapos itong barilin sa ulo ng isang kabarangay habang nagsasagawa ng bible study, Linggo ng gabi sa bayan ng Lake Sebu sa lalawigan ng South Cotabato.

Dead on the spot dahil sa tinamong bala sa ulo ang biktimang si Narlito Tunggay, 31, pastor ng Community Bible Church at Sitio Lemsu-al 2, Barangay Tasiman ng bayang ito.

Isang manhunt operation naman ang isinasagawa ng pulisya para sa agarang pagdakip sa suspek na si Joel Cayugan, 31, kabarangay ng biktima at isang magsasaka.

Base sa ulat ni Police Major Jose Pedroza, hepe ng Lake Sebu Municipal Police Station (MPS), naganap ang insidente Linggo ng gabi habang nagsasagawa ng bible study ang pastor sa bahay ng kanyang kapatid sa Sitio Lemsu-al 2, Barangay Tasiman ng nabatid na bayan.

Nabatid na nasa parteng bintana ang biktima nang bigla na lang itong barilin ng suspek gamit ang 12 gauge shotgun.

Tinamaan ang biktima sa kanang bahagi ng ulo at tumagos pa sa leeg na naging dahilan ng agaran niyang kamatayan.

Ayon kay Pedroza, away sa lupa ang isa sa tinitingnan nilang motibo ng pamamaslang. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.