Una sa Balita

Pastor patay sa COVID sa New York

0 591

BROOKLYN, New York – Si Father Jorge Ortiz Garay ang kauna-unahang Catholic priest na naitalang namatay sa coronavirus disease sa New York na ngayon ay epicenter ng COVID-19 sa buong Estados Unidos.

March 24 ng i-anunsyo ng Diocese of Brooklyn and Queens na nagpositibo ni Father Garay sa Covid19 at inoobserbahan ito sa isang hospital New York.

Humingi ng dasal ang simbahan para sa agarang paggaling ni Father Garay na Pastor sa Saint Brigid Parish sa Brooklyn, New York

Biyernes ng kinumpirma ng Saint Brigid Church Facebook account na pumanaw na si Father Garay dahil sa komplikasyon sanhi ng coronavirus.

Hindi pa malinaw kung saan nakuha ng Pastor ang virus.

Kasalukuyang sarado ang lahat ng simbahan sa New York bilang pagtalima sa Stay-at-Home order para ma-contain ang paglaganap ng nakamamatay na virus

Ang Estados Unidos na ang nangunguna sa buong mundo sa may pinakamaraming kaso ng COVID19 na nasa mahigit 100,000, habang New York ang may pinakamaraming kaso at bilang ng mga namamatay.

Kinakapos na sa personal protective equipment ang mga medical workers habang patuloy sa pagtaas ang bilang ng mga doktor at nurse na namamatay dahil sa naturang virus

Kahapon sinimulan ng ihatid ng New York State government ang karagdagang supply ng PPE sa mga nasa fronliner habang kinakapos na rin sa ventilator ang halos lahat ng ospital.

Samantala, bukas na para sa mga pasyente ang Javit Center sa New York na kayang mag accomodate na mahigt sa 1000 pasyente.

Ang Javit Center ang pinakamalaking convention center sa New York na pansamantalang ginawang ospital para sa mga COVID19 Patient. (Dave Llavanes Jr.)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More