Una sa Balita

Pastor na nakabundol ng doktora sa Agusan del Norte sumuko

By
0 612

SUMUKO kamakalawa sa pulisya ang pastor na suspek sa pagkamatay ni Dra. Zuriel G. Arambulo sa naganap na insidente ng hit-and-run noong Pebrero 7 nang gabi sa Santiago, Agusan del Norte.

Ayon kay Chief Supt. Gilbert Cruz, Police Regional Director ng Caraga, sobrang pressure at konsensya ng kanyang budhi ang umano’y nagtulak sa suspek na si Pastor Charlie Cayetano Prior, dating spiritual­ adviser ng Butuan City Hall, upang kusang loob na siyang sumuko matapos ang pagkakasagasa nito kay Dra. Arambulo, doktor ng Department of Health sa mga barrio sa Santia­go, Agusan del Norte.

Nabatid na naganap ang insidente noong Pebrero 7 dakong alas-8:50 nang gabi sa kahabaan ng National highway sakop ng Zone 2 Brgy. Poblacion sa bayan ng Santiago, Agusan del Norte.

Nabundol umano ito ng kulay itim na kotse ng suspek subalit imbes na hintuan­ ay pinaharurot pa ng suspek ang kanyang sasakyan at iniwan ang duguang biktima sa kalsada.

Nakuha pang isugod sa Cabadbaran District Hospital ang biktima subalit idineklara na itong dead-on-arrival ng mga sumuring doktor.

Ayon kay Chief Supt. Cruz, emosyonal na humingi ng tawad sa pamilya ng biktima si Prior at sinabing hindi umano nito sinasadyang talikuran ang nagawang kasalanan subalit nataranta siya at hindi umano niya alam ang gagawin ng mga oras na iyon.

Kahapon ay sinampahan na ng kasong reckless imrudence resulting to homicide ang suspek na ngayon ay nakapiit sa Santiago Municipal Police Station (MPS) detention cell. ­

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy