Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pastor na faith healer binoga sa ulo, tiyan

0 120

Patay ang isang pastor matapos itong tambangan at malapitang pagbabarilin ng hindi pa kilalang salarin habang pasakay ng kanyang motorsiklo kamakalawa ng gabi sa bayan ng Dinas, Zamboanga del Sur.

Dead on the spot matapos magtamo ng bala sa tiyan at kanang bahagi ng ulo ang biktimang nakilalang si Aquilino Ridaza, 62, pastor at isa ding faith healer, taga-Barangay Matab-ang, Dumalinao, Zamboanga del Sur.

Sa ulat na ipinadala ni Police Major Sellamie Chang, tagapagsalita ng Police Regional Office (PRO) 9, naganap ang insidente alas-9:50 ng gabi sa Purok Rosal, Barangay Lower Dimaya sa bayan ng Dinas ng nabatid na lalawigan.

Pasakay na ng kanyang motorsiklo ang biktima pauwi ng kanilang bahay nang lapitan ng isang lalaki na armado ng hindi batid na kalibre ng baril at dalawang ulit na pinaputukan ang pastor saka mabilis na tumakas.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya kung sino ang salarin at ano ang motibo sa pamamaslang. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.