Una sa Balita

Pastor, 1 pa todas sa suffocation sa water tank

0 265

By Ronilo Dagos/Vick Aquino

PATAY ang isang pastor at ang isa pang lalaki matapos na ang mga ito ay maubusan ng hangin habang nagpipintura sa loob ng overhead steel water tank sa Barangay Barualte, San Juan, Batangas kamakalawa nang hapon.

Kinilala ang dalawang nasawi na sina Jose Almarez at Joel Ramos, pastor ng isang Christian church.

Batay sa imbestigasyon ng San Juan, PNP, nadiskubre ang nangyari sa dalawa dakong alas-4:35 nang hapon matapos na mapansin ng mga nasa ibaba na wala ng kumikilos sa loob ng tangke ng tubig sa itaas.

Sinubukan pang iligtas ang mga ito ng isang barangay kagawad subalit pagdungaw nito sa makipot na bunganga ng tangke ay sinalubong na ito ng matapang na amoy ng kemikal na hinihinalang naggaling sa ginagamit na pintura at paint thinner.

Nakuha ang katawan ng dalawa matapos magpasya ang mga awtoridad na butasin ang tangke sa pamamagitan ng acetylene.

Ang water tank ay pag-aari ng pamahalaang barangay at gagamitin sana para sa patubig ng barangay.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy