Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

‘Pastillas’ Gang modus din baklas-passport

0 55

Hindi lang magaling sa bribery scheme ang tinaguriang ‘Pastillas’ Gang sa Bureau of Immigration (BI) kundi mahusay din sila sa pagbaklas ng mga pasaporte para makapagpadala ng mga Pinay sa Syria.

Ito ang inihayag ni Senadora Risa Hontiveros kasabay ng pagbunyag nito tungkol sa tatlong menor de edad na Pinay na biktima ng human trafficking sa Syria.

Sa pagdinig ng Senate committee on women, inilahad ng tatlong Pinay na pineke umano ang kanilang mga pasaporte para itago na sila ay pawang ‘underage’ at madaling makalusot sa Airport Immigration.

Iprinisenta pa ni Hontiveros ang video clip ng tatlo na itinago sa pangalang Omaima, Aleah at Lenlen. Kuwento ni Omaima at Aleah, na-recruit sila noong 2008 habang menor de edad, habang si Lenlen naman ay nitong 2018 lamang at nakabalik sa Pilipinas noong 2020 matapos maltratuhin ng mga amo.

Ayon kay Hontiveros, dapat imbestigahan ng Department of Foreign Affairs ang illegal scheme na ito at tingnan kung may koneksiyon ang ilang tiwaling kawani ng ahensiya sa ‘Pastillas’ Gang sa produksiyon ng mga fake passport.

SM food to go Banner Ad

“Our witness Lenlen went to the DFA in Co­tabato to get her biometric passport in 2018. Why then did the DFA give her a fake passport? Si Omaima rin, pinatotohanan na ‘yong passport niya ay ‘baklas’, kaya nadiskartehan ang kanyang birthdate,” sabi ni Hontiveros.

“Paano nakakalusot ang ganitong mga kalakaran? Is there a government official colluding with human trafficking criminals? Huwag naman sana. Kung hindi man sila kasabwat, dapat malinawan ng DFA ang mga pag-aalala natin,” saad pa nito.

Sa kuwento pa ni Lenlen, na na-recruit noong 14-anyos pa lamang ito, siya rin ay biktima ng verbal sexual harassment ng kawani ng Philippine Embassy in Syria na pinangalanan nitong isang ‘Jun Carillo’.

“I call on the DFA to regularly check the welfare of our women and girls abroad. Kahit na-recall na daw itong si Jun Carillo, dapat masigurado natin na wala nang katulad niya sa hanay ng ahensya,” ani Hontiveros. (Dindo Matining)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.