Una sa Balita

Passport data ninakaw!

By
0 644

SA gitna ng kontrobersya hinggil sa passport database na tinangay ng dating contractor, naniniwala naman si Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teodoro Locsin Jr. na may mga opisyal na kumita kaya’t napunta dito ang kontrata sa pag-imprenta ng pasaporte.

Binanggit ito ni Locsin matapos malaman na ipina-subcontract pala ng Asian Productivity Organization (APO) sa isang private entity ang printing ng pasaporte. Ang APO ay nasa ilalim ng Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Mayroon itong kontrata sa ibang pribadong kompanya subalit nang magpalit ang administrasyon ay pinalitan ito ng isang pribadong kompanya din.

“Why was the previous contractor terminated? New techno­logy? Then demand it to acquire the new technology but leave the job to it. Di ba? But that means no kickback. In short, people made money by changing contractor. Ano pa? Syet.” tweet ni Locsin kahapon.

Isang netizen ang nagtanong kung sino ang kalihim ng DFA noong panahon na pinalitan ang contractor, pero hindi pa nagkokomenta ang kalihim.

“Who was the DFA Sec during this time? Shouldn’t the government make him/her accountable? As you have said changing contractor brings in money,” ayon sa isang bellezyrelle.

Dahil sa pagtangay ng dating contractor sa database, kinakaila­ngan pa ngayon ng mga Pinoy na magre-renew ng pasaporte na magdala ng original birth certificate kung green o brown ang luma nitong pasaporte at hindi e-Passport.

Iginiit naman ng dalawang senador na dapat papanagutin ng gobyerno ang dating passport maker na nagtakbo ng data records ng DFA.

Ito ang paninindigan nina Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III at Senate Minority Leader Franklin Drilon sa gitna ng pag-amin ni DFA Sec. Locsin na nagsisimula sila ngayon sa pagbuo ng lahat ng records para sa mga passport holder.

Sinabi ng dalawang lider ng Senado na dapat obligahin ng DFA ang dating contractor na ibalik ang records dahil ito ay pag-aari ng gobyerno.

“We should compel the contractor to return this data. Ito ay pag-aari ng gobyerno, public record ‘yan. Wala silang karapatang panghawakan ito. It will cause inconvenience dahil sa mga magre-renew uulitin na naman,” saad ni Drilon.
Iginiit din ni Drilon na kung magmamatigas ang kompanya ay mas makabubuting kasuhan na ito ng DFA.
“Sa akin dapat sampahan ng kaso kung hindi isosoli ng dating service contractor to compel that company to return the records. Public record po ito,” dagdag ni Drilon.

Iginiit naman ni Sotto na wala pa rin namang dapat ikabahala ang publiko sa mga record dahil kaya itong ayusin ng DFA.

“Palagay ko, hindi naman dapat ikabahala pero dapat ikainis. Palagay ko kaya naman ng DFA na magkaroon ng enough protection. Hindi naman naaalarma si Sec. Locsin, parang naiinis lang siya, tingin ko makukuha natin ‘yun, ‘di maaaring hindi. Magkakaproblema sila,” giit naman ni Sotto.

Pinagpapaliwanag naman ni Senador Risa Hontiveros ang DFA sa naging kapabayaan ng ahensiya.
Ayon kay Hontiveros, dapat na maipaliwanag ng ahensiya kung papaano, kailan at kung sino ang responsable’t dapat sisihin sa insidente.

“The Department of Foreign Affairs (DFA) owes the entire country an explanation,” diin ng senadora.
“Exactly what data were lost? When, how, and under whose watch did this happen? Where did the breakdown occur? Who exactly is the responsible firm? And why aren’t they being used for running away with such vital information?” tanong ng mambabatas.

Kaugnay nito, tiniyak naman ng National Privacy Commission (NPC) na magsasagawa siya ng kaukulang im­bestigasyon sa isyung ito.

“Any form of non-availability of personal data, infringement of the rights of data subjects, and harms from processing that include inconveniencing the public, must be adequately explained to the satisfaction of the law,” diin ni NPC Commissioner Raymond ­Liboro.

“We will summon the DFA and concerned agencies including the alleged contractor to determine the facts surrounding the case. Rest assured the NPC will continue to champion the rights of Filipino data subjects,” pagtiyak ng ahensiya. ()

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy