Una sa Balita

Passenger’s rights kontra abuso, ipapaskil

By
0 160

Maglalagay na ng information board na nagsasaad ng karapatan ng mga pasahero sa mga terminal.

Ito ang binabalak ng Land Transportation Franchising and Regulatory board (LTFRB) upang magpaskil ng mga information board sa lahat ng terminals ng mga pampublikong sasakyan.

Ayon kay LTFRB board member Atty. Ariel Inton, mababasa sa information board ang “rights of passengers”.

Kasunod ito ng mga reklamo at sumbong na kanilang natatanggap mula sa mga pasahero hinggil sa pang-aabuso at diskriminasyon ng mga driver.

Aminado si Inton na nitong mga nakalipas na araw ay marami ang reklamo laban sa mga UV express partikular na ang pagbabawal sa mga matataba at mga lalaki na pumuwesto sa front seat ng sasakyan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More