Una sa Balita

Paspasang pag-apruba sa HB 1026 pinuri

0 433

Umani ng papuri sa iba’t ibang sektor ang Kamara dahil sa mabilis na pagpasa sa House Bill HB 1026 na nagtataas ng buwis sa alak at ibang produktong alcohol at electronic ci­garette tatlong linggo matapos iendorso ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang HB1026 ay isa sa natitirang mga bill sa ilalim ng Comprehensive Tax Reform Prog­ram (CTRP) ng admi­nistrasyon.

Tinukoy at pinapurihan ni Finance Secretary Carlos Dominguez ang House Ways and Means Committee na pinamumunuan ni Albay Rep. Joey Salceda sa mabilis na aksyon sa panukalang batas.

Umani ng botong 184-2-1 ang HB1026 sa plenary ng Kamara noong Agosto 20.
Kauna-unang panukalang batas ito na ipinasa ng Kamara sa 18th Congress.

Sa pamamagitan ng malaking pondong malilikom sa ilalim ng CTRP, maipapatupad ng gobyerno ang pangunahing mga programa nito tungo sa lalong makabuluhang mga pagbabago sa lipunan at buhay ng mga Pili­pino.

Pinuna naman ni Finance Undersecretary Karl Kendrick Chua na dahil sa mabilis na aksiyon ng Kamara, nananatili ang momentum na maipasa ang lahat ng CTRP ‘tax reform packages’ sa susunod na Setyembre bago ang talakayan sa panukalang 2020 national budget.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy