Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pasok, umiyak sa Bb. Pilipinas: Nicole Budol target Miss Grand International

0 152

Well, official candidate na nga si Nicole Budol aka Herlene ‘Hipon Girl’ sa Bb. Pilipinas 2022.

Tuwang-tuwa nga ang mga kasamahan niyang kandidata sa pagkakapasok niya sa Bb. Pilipinas. Humamig siya ng masigabong sigawan, palakpakan.

Ang bongga ng nga introduction sa kanya. At bonggang-bongga rin ang paglabas niya sa stage na naka-swimsuit lang.

Medyo nawala nga siya sa sarili, na ang dapat na pasarela sa pagpunta sa harap ng stage ay naging mabilis na lakad, o simpleng tako. Panay rin ang palakpak niya na hindi makapaniwalang nakapasok siya.

Para nga siyang bata na binigyan ng kendi at tuwang-tuwa.

Kaya ang mga fan o beauty pageant enthusiast, nananalangin n asana ay mapunta kay Nicole ang mailap na korona na Miss Grand International, na muntik masungkit noon ni Samantha Bernardo.

“Sobrang saya po ng pakiramdam. Pumasa pa lang po ako, napakasaya ko na. Nakapasok pa lang ako ngayon, parang panalo na po ako,” sabi ni Nicole, na ang target talagang korona ay Miss Grand International.

Siyanga pala, ang tungkol sa autism ang advocacy ni Nicole, na mas matutukan daw ng mga magulang ang kanilang mga anak na may ganung sitwasyon.

Anyway, bukod kay Herlene Budol, ilan pa sa tutukang kandidata ay si Stacey Daniel Gabriel na lumabas din sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’. At ang Kapamilya star na si Diana Mackey.

Pero siyempre, hindi rin pakakabog ang mga kandidata na pambato ng marami, tulad nina Gabrielle Basiano, Roberta Tamondong.

Well, abangan ang magiging kapalaran ni Hipon Girl. (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.