Una sa Balita

Pasok sa Maynila suspendido sa Enero 14

By
0 298

Ipinag-utos ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na suspendihin ang pasok sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan sa lungsod bukas, Enero 14.

Sa anunsyo ng Manila Public Information Office (MPIO), ang suspensiyon ng klase sa lungsod ay bilang preventive measure kaugnay na rin ng matinding ashfall na pinakawalan ng pagsabog ng Taal Volcano.

“As a preventive measure in view of recent ashfall activity, Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso has ordered the SUSPENSION OF CLASSES in all levels, public and private schools, in the nation’s capital on January 14, 2020,” sabi sa Facebook post ng MPIO.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More