Una sa Balita

Pasok sa gobyerno sa Metro Manila sinuspinde

0 292

KINANSELA ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno sa Metro Manila kahapon, April 23.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Pa­nelo na ang suspensiyon ay batay sa rekomendasyon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) para mapagaan ang pasanin ng public transport system sa harap na rin ng epekto ng malakas na lindol noong Lunes.

Sinabi ni Panelo na iniutos din ng Pangulo sa lahat ng mga gobernador na apektado ng lindol na agad i-assess ang pinsala sa kanilang nasasakupan at ipatupad ang mga nararapat na hakbang para sa kaligtasan ng kanilang mamamayan.

“Per Executive Secretary Salvador Medialdea as recommended by the NDRRMC and in order to ease up the load of the public transport system, work in government in Metro Manila is suspended on 23 April 2019,” ani Panelo. (Aileen Taliping)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy