Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Paslit tinodas sa bugbog nina Mom, Stepdad

0 140

Patay ang isang walong-taong gulang na batang lalaki ilang oras matapos itong bugbugin ng kanyang ina at stepfather bilang pagdidisiplina umano sa kakulitan nito sa Pasig City noong Biyernes.

Ayon kay Pasig City Police chief P/Col. Roman Arugay, nilalagnat at dumaing ng matinding pananakit ng katawan ang biktima kaya dinala ito sa Mission Hospital ng mga mga suspek na sina Franklin Villadolid, 39-anyos, amain ng biktima at asawang si Kimberly, 29-anyos, ina ng biktima, kapwa mga call center at mga residente ng Bldg. O, Unit 1732, Urban Deca Homes, Ortigas Ave. Ext., sa Brgy. Rosario, Pasig City.

Gayunman, pumanaw ang biktima ganap na alas-3:51 ng hapon dahil sa pamumuo ng dugo o hematoma sa binti at braso ng biktima.

Inamin ni Kimberly na nasaktan niya ang anak bilang pagdisiplina sa kakulitan nito. Pinag-squat umano niya ito at pinalo ng tsinelas hanggang mawalan ito ng malay. Giit ng mga suspek, hindi nila inakala na magiging sanhi ng kamatayan ng bata ang kanilang pagdidisiplina.

Nakakulong sa Pasig custodial facility ang mga suspek at nahaharap sa kasong maltreatment resulting to homicide. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.